Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(A)

17 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at ang kapatid nitong si Juan, at sila'y kanyang dinala na walang kasamang iba sa isang mataas na bundok. At nagbagong-anyo siya sa harapan nila, nagliwanag ng tulad sa araw ang kanyang mukha, at naging parang ilaw sa kaputian ang kanyang mga damit. At doon ay nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kanya.

Read full chapter