Add parallel Print Page Options

17 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas sapagkat hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at dugo kundi ng aking Ama na nasa langit. 18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

Read full chapter