Add parallel Print Page Options

31 Namangha ang napakaraming tao nang makita nilang nakapagsalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga may kapansanan, nakalakad na ang mga lumpo at nakakita na ang mga bulag. At niluwalhati nila ang Diyos ng Israel.

32 Kaya tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at pina­lapit sa kaniya. Sinabi niya: Nahahabag ako sa napakaraming taong ito sapagkat tatlong araw na silang sumusunod sa akin at wala man lang silang makain. Hindi ko ibig na pauwiin silang gutom at baka manlupaypay sila sa daan.

33 Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya: Saan tayo kukuha sa ilang na ito ng sapat na tinapay upang mabusog ang napakaraming taong ito?

Read full chapter