Add parallel Print Page Options

43 Kung magkagayon ang mga matuwid ay magliliwanag katulad ng araw sa paghahari ng kanilang Ama. Ang mga may pandinig ay makinig.

Ang mga Talinghaga Patungkol sa Natatagong Kayamanan at sa Perlas

44 Ang paghahari ng langit ay katulad ng natatagong kayamanan sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at muli niyang itinago ito. Dahil sa kagalakan, siya ay umuwi at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik at binili ang bukid na iyon.

45 Gayundin naman, ang paghahari ng langit ay katulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas.

Read full chapter