Font Size
Mateo 13:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 13:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Talinghaga tungkol sa Pampaalsa(A)
33 Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang talinghaga. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, hanggang umalsa ang buong masa ng harina.”
Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinghaga(B)
34 Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinghaga. 35 Sa(C) gayon, natupad ang sinabi ng propeta:[a]
“Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinghaga,
ihahayag ko ang mga bagay na inilihim mula pa nang likhain [ang daigdig].”[b]