Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga ng Pampaalsa(A)

33 Nagsalaysay siya sa kanila ng isa pang talinghaga: “Ang kaharian ng langit ay tulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae, at inihalo[a] sa tatlong takal na harina, hanggang sa ang lahat ay malagyan ng pampaalsa.”

Ang Paggamit ni Jesus sa mga Talinghaga(B)

34 Ang lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa maraming tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang sinabi sa kanila na hindi sa pamamagitan ng talinghaga.

35 Ito(C) ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta,[b]

“Bubuksan ko ang aking bibig sa pagsasalita ng mga talinghaga;
isasalaysay ko ang mga natatagong bagay mula pa nang itatag ang sanlibutan.”[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 13:33 Sa Griyego ay itinago .
  2. Mateo 13:35 Sa ibang lumang kasulatan ay propeta Isaias .
  3. Mateo 13:35 Sa ibang lumang kasulatan ay walang sanlibutan .