Add parallel Print Page Options

29 O, paano ba mapapasok ng isang tao ang bahay ng isang malakas na tao at masamsam ang kaniyang mga ari-arian? Hindi ba kailangang gapusin muna niya ang malakas na tao? Pagkatapos, masasamsam na niya ang kaniyang bahay.

30 Ang hindi pumapanig sa akin ay laban sa akin. Ang hindi sumasama sa akin ay mangangalat. 31 Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Lahat ng uri ng kasalanan at pamumusong ay ipatatawad sa mga tao. Ngunit ang pamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi ipatatawad sa mga tao.

Read full chapter