Add parallel Print Page Options

27 Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng mga bagay. Walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama. Gayundin, walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang sinumang ibig pagpahayagan ng Anak.

28 Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

Read full chapter