Add parallel Print Page Options

Ang Dakilang Paanyaya(A)

25 Nang oras na iyon ay sinabi ni Jesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol;

26 oo, Ama, sapagkat gayon ang mapagpala mong kalooban.[a]

27 Ang(B) lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 11:26 o sapagkat iyon ang kalugud-lugod sa iyong paningin .