Add parallel Print Page Options

Sa inyong paghayo ay ipahayag ninyo: ‘Malapit nang dumating ang kaharian ng langit.’ Ang mga maysakit ay inyong pagalingin, ang mga patay ay inyong buhayin, ang mga ketongin ay inyong linisin, at ang mga demonyo ay inyong palayasin. Tinanggap ninyo nang walang bayad, ipamigay din ninyong walang bayad. Huwag kayong magdadala ng ginto, pilak o tanso sa inyong lalagyan ng salapi, 10 o kaya'y ng supot para sa inyong paglalakbay, o ng dalawang bihisan, o mga sandalyas, o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang pagkain. 11 At saanmang bayan o nayon kayo makarating, humanap kayo roon ng taong karapat-dapat. Makituloy kayo sa kanya hanggang sa inyong paglisan. 12 Pagpasok ninyo sa bahay, basbasan ninyo ito. 13 At kung karapat-dapat ang sambahayang iyon, igawad ninyo ang inyong basbas ng kapayapaan doon, subalit kung hindi ito karapat-dapat, bawiin ninyo ang basbas ng kapayapaang iginawad ninyo. 14 Kung mayroong hindi tumanggap sa inyo o ayaw makinig sa inyong mga salita, ipagpag ninyo ang alikabok na nasa inyong mga paa pag-alis ninyo sa bahay o bayang iyon.

Read full chapter

Ipinagbilin niya sa kanila na huwag magdadala ng anuman sa kanilang paglalakbay gaya ng tinapay, balutan, at salapi sa kanilang mga pamigkis maliban sa isang tungkod. Pinapagsuot sila ng sandalyas ngunit hindi pinapagdala ng damit na bihisan. 10 Sinabi niya sa kanila, “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang umalis kayo sa lugar na iyon. 11 Kung (A) (B) tanggihan kayo at ayaw pakinggan sa alinmang bayan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa pag-alis ninyo sa lugar na iyon bilang patotoo laban sa kanila.”

Read full chapter

At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng kahit ano sa inyong paglalakbay; kahit tungkod, balutan, tinapay, o salapi. Huwag din dalawa ang dalhin ninyong damit panloob. Saanmang bahay kayo pumasok, mamalagi kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo. Saanmang lugar na hindi kayo tanggapin, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa pag-alis ninyo sa bayang iyon bilang patotoo laban sa kanila.”

Read full chapter