Mateo 10:15
Magandang Balita Biblia
15 Tandaan(A) ninyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang igagawad sa mga mamamayan ng bayang iyon kaysa sa parusang dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.”
Read full chapter
Mateo 11:23-24
Magandang Balita Biblia
23 At(A) kayong mga taga-Capernaum, nais pala ninyong itaas ang inyong sarili hanggang langit? Ibabagsak kayo[a] hanggang sa daigdig ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, sana'y nananatili pa ang bayang iyon magpahanggang ngayon. 24 Ngunit(B) sinasabi ko sa inyo, mas kahahabagan pa ang mga taga-Sodoma kaysa inyo sa Araw ng Paghuhukom!”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 11:23 Ibabagsak kayo: Sa ibang manuskrito'y Ibababa kayo.
Lucas 10:12
Magandang Balita Biblia
12 Sinasabi(A) ko sa inyo, mas kahahabagan pa ang mga taga-Sodoma kaysa bayang iyon sa Araw ng Paghuhukom!”
Read full chapter
Lucas 17:29
Magandang Balita Biblia
29 Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat.
Read full chapter
2 Pedro 2:6
Magandang Balita Biblia
6 Sinumpa(A) [at tinupok][a] ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra upang maging babala sa masasama tungkol sa kanilang kasasapitan.
Read full chapterFootnotes
- 2 Pedro 2:6 at tinupok: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Judas 7
Magandang Balita Biblia
7 Alalahanin(A) din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lungsod ay nalulong sa kahalayan at di-likas na pagnanasa ng laman, kaya't sila'y pinarusahan sa apoy na hindi namamatay bilang babala sa lahat.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.