Add parallel Print Page Options

10 o kaya'y ng supot para sa inyong paglalakbay, o ng dalawang bihisan, o mga sandalyas, o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang pagkain.

Read full chapter

Manatili kayo sa iisang bahay at huwag magpalipat-lipat. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kanyang sahod.

Read full chapter

Wala ba kaming karapatang kumain at uminom? Wala ba kaming karapatang magsama ng asawa sa aming paglalakbay gaya ng ibang mga apostol at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Pedro?[a] O kami lamang ba ni Bernabe ang walang karapatang tumigil sa paghahanap-buhay? Mayroon bang kawal na naglilingkod sa sarili niyang gastos? Mayroon bang nagtatrabaho sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? Mayroon bang nag-aalaga ng mga hayop sa kawan, at hindi umiinom ng gatas ng mga iyon? Sinasabi ko ang mga bagay na ito hindi ayon sa pamantayan ng tao. Hindi ba't ito rin ang sinasabi ng Kautusan? Sapagkat (A) nasusulat sa Kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka kapag gumigiik.” Ang mga baka lang ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos? 10 Hindi ba't siya ay nagsasalita para sa atin? Ito ay nasulat para sa atin, sapagkat ang nag-aararo ay dapat mag-araro nang may pag-asa, at ang gumigiik ay dapat gumiik nang may pag-asa, at sila'y kapwa tatanggap ng bahagi. 11 Kung (B) kami ay nakapaghasik sa inyo ng mga bagay na espirituwal, kalabisan bang umani kami sa inyo ng mga bagay na materyal? 12 Kung ang iba ay may ganitong karapatan sa inyo, di ba lalong mas may karapatan kami?

Ngunit hindi namin ginamit ang karapatang ito, kundi tinitiis namin ang lahat, upang hindi kami makapaglagay ng balakid sa ebanghelyo ni Cristo. 13 Hindi (C) ba ninyo nalalaman na ang mga naglilingkod sa mga gawain sa templo ay kumakain ng mga bagay mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay nakikibahagi sa mga handog sa dambana? 14 Sa gayunding paraan, (D) itinakda ng Panginoon na ang mga nangangaral ng ebanghelyo ay dapat kumuha ng ikabubuhay mula sa ebanghelyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 9:5 Pedro: sa tekstong Griyego, Cefas, na ang kahulugan ay bato.

18 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang baka habang ito'y gumigiik.” (A) Nasusulat din, “Ang manggagawa ay nararapat sa kanyang sahod.”

Read full chapter