Add parallel Print Page Options

Manalangin nga kayo nang ganito: Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo.

10 Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa.

11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.[a]

12 At patawarin mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin.

13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 6:11 o pagkain namin sa kinabukasan .
  2. Mateo 6:13 Ang ibang mga kasulatan ay mayroong ganito. Sapagkat iyo ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman. Amen .

Humingi, Humanap, Tumuktok(A)

“Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan.

Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan.

Mayroon bang tao sa inyo, na kung humingi ng tinapay sa kanya ang kanyang anak ay bato ang ibibigay?

10 O kung humingi siya ng isda ay bibigyan niya ito ng ahas?

11 Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?

Read full chapter