Add parallel Print Page Options

Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain sa Galilea(A)

12 Nang(B) mabalitaan ni Jesus[a] na dinakip si Juan, pumunta siya sa Galilea.

13 Nang(C) iwan niya ang Nazaret, siya ay pumunta at tumira sa Capernaum, na nasa tabing-dagat, na sakop ng Zebulon at Neftali,

14 upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias:

15 “Ang(D) lupain ni Zebulon at ang lupain ni Neftali,
    patungo sa dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil—
16 Ang bayang nakaupo sa kadiliman,
    ay nakakita ng dakilang ilaw,
at sa mga nakaupo sa lupain at lilim ng kamatayan,
    ang liwanag ay sumilay.”

17 Mula(E) noon si Jesus ay nagpasimulang mangaral na nagsasabi, “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(F)

18 Sa paglalakad ni Jesus[b] sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, na naghuhulog ng lambat sa dagat, sapagkat sila'y mga mangingisda.

19 Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”

20 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.

21 At sa kanyang paglakad mula roon ay nakita niya sa bangka ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kanyang kapatid, kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nag-aayos[c] ng lambat; at kanyang tinawag sila.

22 Kaagad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 4:12 Sa Griyego ay niya .
  2. Mateo 4:18 Sa Griyego ay niya .
  3. Mateo 4:21 o naghahayuma .

Ang Pasimula ng Gawain sa Galilea(A)

14 Bumalik si Jesus sa Galilea na nasa kapangyarihan ng Espiritu at kumalat ang balita tungkol sa kanya sa palibot ng buong lupain.

15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga at pinuri ng lahat.

Read full chapter

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(A)

Samantalang(B) sinisiksik si Jesus[a] ng napakaraming tao upang makinig ng salita ng Diyos, siya'y nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret.

Nakakita siya ng dalawang bangka na nasa tabi ng lawa; wala na roon ang mga mangingisda at naghuhugas na ng kanilang mga lambat.

Lumulan siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon at hiniling sa kanya na ilayo ito nang kaunti sa lupa. Siya'y umupo at mula sa bangka ay nagturo sa mga tao.

Nang matapos na siya sa pagsasalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumunta ka sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.”

Sumagot(C) si Simon, “Guro, sa buong magdamag ay nagpakapagod kami at wala kaming nahuli. Subalit dahil sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.”

Nang(D) magawa nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda, at halos masira ang kanilang mga lambat,

kaya't kinawayan nila ang mga kasamahan nilang nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Sila'y lumapit at pinuno ng isda ang dalawang bangka, anupa't sila'y nagpasimulang lumubog.

Ngunit nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa paanan ni Jesus, na nagsasabi, “Lumayo ka sa akin, sapagkat ako'y taong makasalanan, O Panginoon.”

Sapagkat siya at ang lahat ng kanyang kasama ay namangha dahil sa mga isdang kanilang nahuli,

10 gayundin si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasamahan ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot, mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.”

11 Nang maitabi na nila sa lupa ang kanilang mga bangka ay iniwan nila ang lahat, at sumunod sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 5:1 Sa Griyego ay siya .