Add parallel Print Page Options

Nagpakamatay si Judas(A)

At(B) si Judas na nagkanulo kay Jesus,[a] nang nakitang hinatulan na ito, ay nagsisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at sa matatanda,

na sinasabi, “Ako'y nagkasala sa pagkakanulo ko sa dugong walang sala.” Ngunit sinabi nila, “Ano iyon sa amin? Ikaw ang bahala diyan.”

At inihagis niya sa templo ang mga piraso ng pilak at siya'y umalis. Humayo siya at nagbigti.

Subalit habang pinupulot ng mga punong pari ang mga piraso ng pilak, nagsabi sila, “Hindi matuwid na ilagay ang mga ito sa kabang-yaman, sapagkat dugo ang kapalit ng halagang ito.”

Pagkatapos mag-usap, ibinili nila ang mga iyon ng bukid ng magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan.

Kaya't ang bukid na iyon ay tinawag na Bukid ng Dugo hanggang sa araw na ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 27:3 Sa Griyego ay sa kanya .