Mateo 26:28
Ang Biblia, 2001
28 sapagkat(A) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:28 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .
Marcos 14:24
Ang Biblia, 2001
24 At(A) sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na nabubuhos para sa marami.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 14:24 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .
Lucas 22:20
Ang Biblia, 2001
20 Gayundin(A) naman ang kopa, pagkatapos ng hapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo.[a]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 22:20 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mga talatang 19-20.
1 Corinto 11:25
Ang Biblia, 2001
25 Sa(A) gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito tuwing kayo'y iinom nito, sa pag-aalaala sa akin.”
Read full chapter
Mga Hebreo 10:29
Ang Biblia, 2001
29 Gaano(A) pa kayang higpit na parusa sa akala ninyo, ang nararapat sa kanila na yumurak sa Anak ng Diyos at lumapastangan sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kanila, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
Read full chapter
Mga Hebreo 9:19-20
Ang Biblia, 2001
19 Sapagkat(A) nang sabihin ni Moises ang bawat utos sa buong bayan ayon sa kautusan, kumuha siya ng dugo ng baka at ng mga kambing, na may tubig at mapulang balahibo at isopo, at winisikan niya ang aklat at gayundin ang buong bayan,
20 na sinasabi, “Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos sa inyo.”
Read full chapter