Mateo 26:28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
28 sapagkat(A) ito ang aking dugo na katibayan ng tipan[a] ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.
Read full chapterFootnotes
- 28 tipan: Sa ibang manuskrito'y bagong tipan .
Mateo 26:28
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
28 sapagkat (A) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos alang-alang sa marami, para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:28 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng bagong tipan.
Marcos 14:24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Sinabi(A) niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami.
Read full chapter
Marcos 14:24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 Sinabi (A) niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos para sa marami.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 14:24 Sa ibang mga manuskrito bagong tipan.
Lucas 22:20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Gayundin(A) naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo].[a]
Read full chapterFootnotes
- 19b-20 na inihahandog…alang-alang sa inyo: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Lucas 22:20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Matapos kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa, sinabi niya, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo na nabubuhos para sa inyo.
Read full chapter
1 Corinto 11:25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Matapos(A) maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”
Read full chapter
1 Corinto 11:25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 Sa (A) gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito, tuwing kayo'y iinom nito, bilang pag-alaala sa akin.”
Read full chapter
2 Corinto 3:6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Binigyan(A) niya kami ng kakayahang maging lingkod ng bagong tipan, isang kasunduang hindi ayon sa kautusang nakasulat kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang kautusang nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay-buhay.
Read full chapter
2 Corinto 3:6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Ginawa (A) niya kaming karapat-dapat na maging mga lingkod ng bagong tipan, isang tipan na hindi batay sa titik, kundi sa Espiritu, sapagkat ang titik ay pumapatay, subalit ang Espiritu ay nagbibigay buhay.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.