Add parallel Print Page Options

Ang Banal na Hapunan(A)

26 Habang sila'y kumakain ay dumampot si Jesus ng tinapay, binasbasan niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kainin ninyo; ito ang aking katawan.”

27 At kumuha siya ng isang saro[a] at nang makapagpasalamat ay ibinigay sa kanila, na nagsasabi, “Uminom kayong lahat nito,

28 sapagkat(B) ito ang aking dugo ng tipan,[b] na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:27 o kopa .
  2. Mateo 26:28 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .

Ang Huling Hapunan(A)

26 Habang sila'y kumakain, si Jesus ay kumuha ng tinapay, ipinagpasalamat niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad. Sinabi niya, “Kumuha kayo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan.” 27 At kumuha siya ng kopa at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila, at sinabi, “Uminom kayo nito, lahat kayo, 28 sapagkat (B) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos alang-alang sa marami, para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:28 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng bagong tipan.

Ang Banal na Hapunan(A)

22 Samantalang sila'y kumakain, dumampot siya ng tinapay, at nang kanyang mabasbasan ay kanyang pinagputul-putol, ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.”

23 Siya'y dumampot ng isang kopa at nang siya'y makapagpasalamat ay ibinigay niya sa kanila, at mula roo'y uminom silang lahat.

24 At(B) sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na nabubuhos para sa marami.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:24 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .

Ang Hapunan ng Panginoon(A)

22 Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagputul-putol niya ang tinapay, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Tanggapin ninyo; ito ang aking katawan.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos, iniabot ito sa mga alagad at mula roon ay uminom silang lahat. 24 Sinabi (B) niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos para sa marami.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:24 Sa ibang mga manuskrito bagong tipan.

19 At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, kanyang pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito'y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”

20 Gayundin(A) naman ang kopa, pagkatapos ng hapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 22:20 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mga talatang 19-20.

19 Dumampot siya ng tinapay, at matapos magpasalamat ay pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20 Matapos kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa, sinabi niya, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo na nabubuhos para sa inyo.

Read full chapter