Add parallel Print Page Options

Ang Banal na Hapunan(A)

26 Habang sila'y kumakain ay dumampot si Jesus ng tinapay, binasbasan niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kainin ninyo; ito ang aking katawan.”

27 At kumuha siya ng isang saro[a] at nang makapagpasalamat ay ibinigay sa kanila, na nagsasabi, “Uminom kayong lahat nito,

28 sapagkat(B) ito ang aking dugo ng tipan,[b] na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:27 o kopa .
  2. Mateo 26:28 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .

Ang Banal na Hapunan(A)

22 Samantalang sila'y kumakain, dumampot siya ng tinapay, at nang kanyang mabasbasan ay kanyang pinagputul-putol, ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.”

23 Siya'y dumampot ng isang kopa at nang siya'y makapagpasalamat ay ibinigay niya sa kanila, at mula roo'y uminom silang lahat.

24 At(B) sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na nabubuhos para sa marami.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:24 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng bagong tipan .

19 At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, kanyang pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito'y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”

20 Gayundin(A) naman ang kopa, pagkatapos ng hapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 22:20 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mga talatang 19-20.