Add parallel Print Page Options

Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus(A)

14 Pagkatapos, isa sa labindalawa, na tinatawag na Judas Iscariote ang nagpunta sa mga punong pari,

15 at(B) nagsabi, “Anong ibibigay ninyo sa akin, kung ibibigay ko siya sa inyo?” At kanilang ipinagtimbang siya ng tatlumpung pirasong pilak.

16 At mula noon ay humanap siya ng pagkakataon na maipagkanulo si Jesus.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:16 Sa Griyego ay siya .

Nakipagsabwatan si Judas sa mga Kaaway ni Jesus(A)

10 Si Judas Iscariote naman, na isa sa labindalawa, ay nagpunta sa mga punong pari upang maipagkanulo siya sa kanila.

11 Nang marinig nila ito, sila'y nagalak at nangakong siya'y bibigyan ng salapi. Kaya't naghanap siya ng pagkakataong maipagkanulo siya.

Read full chapter