Add parallel Print Page Options

23 At kung may sinumang magsabi sa inyo, ‘Masdan ninyo, narito ang Cristo!’ o, ‘Nariyan siya!’ huwag ninyong paniwalaan.

24 Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at ang mga bulaang propeta, at magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, anupa't ililigaw, kung maaari, pati ang mga hinirang.

25 Tingnan ninyo, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.

26 Kaya,(A) kung sasabihin nila sa inyo, ‘Tingnan ninyo, siya'y nasa ilang,’ huwag kayong lumabas. ‘Tingnan ninyo, siya'y nasa mga silid,’ huwag ninyong paniwalaan.

27 Sapagkat gaya ng kidlat na nanggagaling sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.

28 Kung(B) saan naroon ang bangkay, ay doon magkakatipon ang mga buwitre.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 24:28 o agila .

37 Kung(A) paano sa mga araw ni Noe, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.

38 Sapagkat kung paano sa mga araw na iyon bago bumaha, sila'y kumakain at umiinom, at nag-aasawa at pinag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko,[a]

39 at(B) hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang baha, at tinangay silang lahat, ay gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.

40 Kaya, may dalawang taong pupunta sa bukid, ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

41 May dalawang babaing magtatrabaho[b] sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 24:38 o daong .
  2. Mateo 24:41 o gigiling .