Add parallel Print Page Options

Ang Tanong ni Jesus tungkol sa Anak ni David(A)

41 Habang nagkakatipon ang mga Fariseo ay tinanong sila ni Jesus,

42 na sinasabi, “Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo? Kaninong anak siya?” Sinabi nila sa kanya, “Kay David.”

43 Sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y bakit si David nang nasa Espiritu ay tumatawag sa kanya ng Panginoon, na nagsasabi,

44 ‘Sinabi(B) ng Panginoon sa aking Panginoon,

“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang sa mailagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa”’?

45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y naging kanyang anak?”

46 Walang nakasagot sa kanya kahit isang salita, at wala na ring sinumang nangahas pang magtanong sa kanya ng anuman buhat sa araw na iyon.

Read full chapter

Mga Tanong tungkol sa Anak ni David(A)

41 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Paano nila nasasabi na ang Cristo ay anak ni David?

42 Gayong(B) si David mismo ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
“Maupo ka sa aking kanan,
43     hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa.”’

44 Tinatawag siya ni David na Panginoon, kaya't paanong siya'y naging anak niya?”

Read full chapter