Mateo 19:9
Ang Biblia, 2001
9 At(A) sinasabi ko sa inyo: sinumang ihiwalay ang kanyang asawang babae, maliban sa pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya.[a] At ang mag-asawa sa babaing inihiwalay ay nagkakasala ng pangangalunya.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:9 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang huling pangungusap ng talatang ito.
Mateo 19:9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Sinasabi (A) ko sa inyo: sinumang magpaalis at makipaghiwalay sa kanyang asawa, liban na lamang kung pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya. At sinumang nakipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.”[a]
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:9 Sa ibang mga manuskrito wala ang huling pangungusap ng talatang ito.
Marcos 10:11-12
Ang Biblia, 2001
11 At(A) sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makipaghiwalay sa kanyang asawang babae at mag-asawa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa kanya.
12 Kung nakipaghiwalay siya sa kanyang asawang lalaki at mag-asawa sa iba, nagkakasala siya ng pangangalunya.”
Read full chapter
Marcos 10:11-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Sinabi (A) niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking magpaalis at humiwalay sa kanyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya. 12 At kung humiwalay ang babae sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba, nagkakasala siya ng pangangalunya.”
Read full chapter
Lucas 16:18
Ang Biblia, 2001
18 “Ang(A) bawat humihiwalay sa kanyang asawang babae at nag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ng kanyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.
Read full chapter
Lucas 16:18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at nag-asawa ng iba ay nangangalunya at ang makipag-asawa sa hiniwalayang babae ay nangangalunya rin.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.