Mateo 19:9
Ang Biblia, 2001
9 At(A) sinasabi ko sa inyo: sinumang ihiwalay ang kanyang asawang babae, maliban sa pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya.[a] At ang mag-asawa sa babaing inihiwalay ay nagkakasala ng pangangalunya.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:9 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang huling pangungusap ng talatang ito.
Mateo 19:9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Sinasabi (A) ko sa inyo: sinumang magpaalis at makipaghiwalay sa kanyang asawa, liban na lamang kung pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya. At sinumang nakipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.”[a]
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:9 Sa ibang mga manuskrito wala ang huling pangungusap ng talatang ito.
Marcos 10:11-12
Ang Biblia, 2001
11 At(A) sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makipaghiwalay sa kanyang asawang babae at mag-asawa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa kanya.
12 Kung nakipaghiwalay siya sa kanyang asawang lalaki at mag-asawa sa iba, nagkakasala siya ng pangangalunya.”
Read full chapter
Marcos 10:11-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Sinabi (A) niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking magpaalis at humiwalay sa kanyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya. 12 At kung humiwalay ang babae sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba, nagkakasala siya ng pangangalunya.”
Read full chapter
Lucas 16:18
Ang Biblia, 2001
18 “Ang(A) bawat humihiwalay sa kanyang asawang babae at nag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ng kanyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.
Read full chapter
Lucas 16:18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at nag-asawa ng iba ay nangangalunya at ang makipag-asawa sa hiniwalayang babae ay nangangalunya rin.
Read full chapter
1 Corinto 7:10-11
Ang Biblia, 2001
10 Subalit(A) sa mga may asawa ay aking itinatagubilin, hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kanyang asawa.
11 (Subalit kung siya ma'y humiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kanyang asawa), at huwag hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa.
Read full chapter
1 Corinto 7:10-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 At sa mga may asawa ay nagtatagubilin ako, hindi ako, kundi ang Panginoon, na huwag hiwalayan ng babae ang kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y humiwalay, manatili siyang walang asawa, kung hindi naman ay makipagkasundo siya sa kanyang asawa. At hindi dapat iwan ng lalaki ang kanyang asawa.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.