Add parallel Print Page Options

Ipinanalangin ni Jesus ang mga Bata(A)

13 May nagdala ng mga bata kay Jesus upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14 Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” 15 Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siya'y umalis.

Read full chapter

Ang Pagbasbas ni Jesus sa Maliliit na Bata(A)

13 Pagkatapos nito ay inilapit sa kanya ang maliliit na bata, upang kanyang ipatong sa kanila ang mga kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit sinaway ng mga alagad ang mga taong nagdala ng mga bata. 14 Subalit sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga katulad nila nakalaan ang kaharian ng langit.” 15 Pagkatapos niyang ipatong sa kanila ang kanyang mga kamay ay umalis na siya roon.

Read full chapter

Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata(A)

15 Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang mga kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, sinaway nila ang mga tao. 16 Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kaharian ng Diyos. 17 Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makakapasok doon.”

Read full chapter

Binasbasan ni Jesus ang mga Bata(A)

15 Dinala ng mga tao kay Jesus maging ang mga sanggol upang sila ay kanyang basbasan; ngunit sinaway sila ng mga alagad nang makita ito. 16 Subalit pinalapit ni Jesus ang mga bata. Sinabi niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, sapagkat para sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos. 17 Tinitiyak ko sa inyo, ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos gaya ng isang bata ay hinding-hindi makapapasok dito.”

Read full chapter