Add parallel Print Page Options

Hiningan ng Tanda si Jesus(A)

16 Lumapit(B) kay Jesus ang ilang Pariseo at Saduseo. Upang siya'y subukin, humingi sila sa kanya ng isang himala mula sa langit. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, [“Kapag dapit-hapon ay sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang panahon dahil maaliwalas ang langit.’ At kapag umaga nama'y sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon dahil madilim ang langit.’ Nakakabasa kayo ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon.][a] Lahing(C) masama at taksil sa Diyos! Humihingi kayo ng palatandaan, ngunit walang ibibigay sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Jonas!”

Pagkatapos nito, umalis si Jesus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2-3 Kapag dapit-hapon…kasalukuyang panahon: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.