Add parallel Print Page Options

Ang Layunin ng mga Talinghaga(A)

10 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at nagtanong, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa pagtuturo sa mga tao?” 11 Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios,[a] pero hindi ito ipinagkaloob sa iba. 12 Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng higit na pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya. 13 Kaya nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, dahil tumitingin sila pero hindi nakakakita, at nakikinig pero hindi naman nakakaunawa. 14 Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias:

    ‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa.
    Tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 Dahil matigas ang puso ng mga taong ito.
    Tinakpan nila ang kanilang mga tainga,
    at ipinikit ang kanilang mga mata,
    dahil baka makakita sila at makarinig,
    at maunawaan nila kung ano ang tama,
    at magbalik-loob sila sa akin,
    at pagalingin ko sila.’[b]

16 Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa. 17 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, maraming propeta at matutuwid na tao noon ang naghangad na makakita at makarinig ng nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi ito nangyari sa kanilang panahon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:11 Dios: sa literal, langit, ganoon din sa talatang 24, 31, 33, 44, 45, 47 at 52. Tingnan ang “footnote” sa 3:2.
  2. 13:15 Isa. 6:9-10.

Ang Layunin ng mga Talinghaga(A)

10 Nang nakauwi na ang mga tao, tinanong siya ng 12 apostol at ng iba pang mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon. 11 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa iba[a] ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, 12 upang matupad ang nakasulat sa Kasulatan,

    ‘Tumingin man sila nang tumingin, hindi sila makakakita.
    Makinig man sila nang makinig, hindi sila makakaunawa.
    Dahil kung makakaunawa sila, magsisisi sila sa kanilang kasalanan at patatawarin sila ng Dios.’[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:11 sa iba: sa literal, sa mga nasa labas. Maaaring ang mga tinutukoy dito ay ang mga nasa labas ng kanilang grupo o ang mga hindi sumasampalataya kay Jesus.
  2. 4:12 Isa. 6:9-10.