Add parallel Print Page Options

Sanhi ng Pagkakasala(A)

42 “Mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig [sa akin.][a] 43 Kung(B) ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang pumasok sa buhay na walang hanggan na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. [44 Doo'y hindi namamatay ang mga uod na kumakain sa kanila at ang apoy.][b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 42 sa akin: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. 44 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 44.