Add parallel Print Page Options

Mga Sanhi ng Pagkakasala(A)

42 “Mabuti pa sa isang tao na talian ng isang malaking gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin. 43 Kung (B) ang isang kamay mo ay nagiging sanhi ng pagkakasala mo, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang magkamit ng buhay na putol ang kamay kaysa may dalawang kamay kang pupunta sa impiyerno, kung saan ang apoy ay hindi mapapatay. 44 [Doon, ang mga uod at apoy ay hindi namamatay.][a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 9:44 Sa ibang mga naunang manuskrito wala ang talatang ito.