Add parallel Print Page Options

Ang Pampaalsa ng mga Pariseo at ni Haring Herodes(A)

14 Nakalimutan ng mga tagasunod ni Jesus na magdala ng tinapay. Iisa lang ang baon nilang tinapay sa bangka. 15 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa[a] ng mga Pariseo at ni Haring Herodes.” 16 Nag-usap-usap ang mga tagasunod ni Jesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:15 pampaalsa: sa Ingles, “yeast.” Ang tinutukoy ni Jesus dito ay ang masasamang ugali ng mga Pariseo at ni Herodes na maaaring makahawa sa kanila.