Add parallel Print Page Options

20 “Ito naman ang katulad ng mga binhing nalaglag sa matabang lupa. Sila ang mga taong nakikinig at tumatanggap sa Salita ng Diyos at namumunga nang masagana; may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu at may tig-iisandaan.”

Walang Lihim na Hindi Mabubunyag(A)

21 Nagpatuloy(B) si Jesus ng pagsasalita. Sinabi niya, “Sinisindihan ba ang ilawan upang itago sa ilalim ng takalan,[a] o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba't kapag nasindihan na ay inilalagay ito sa talagang patungan ng ilaw? 22 Walang(C) natatagong di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21 TAKALAN: Ang takalang nabanggit dito ay sinlaki ng sisidlang maaaring maglaman ng dalawang galong tubig.