Add parallel Print Page Options

25 Ikasiyam ng umaga[a] nang siya'y ipako sa krus. 26 Nakasulat sa taas nito ang sakdal laban sa kanya: “Ang Hari ng mga Judio.” 27 Dalawang tulisan ang kasama niyang ipinako sa krus, isa sa gawing kanan, at isa sa kanyang kaliwa.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 15:25 Sa Griyego, ikatlong oras.