Add parallel Print Page Options

23 Pagdating nila roon, binigyan nila si Jesus ng alak na may halong mira,[a] pero hindi niya ito ininom. 24 Ipinako nila sa krus si Jesus at pinaghati-hatian nila ang mga damit niya sa pamamagitan ng palabunutan para malaman nila ang bahaging mapupunta sa bawat isa. 25 Alas nuwebe noon ng umaga nang ipako siya sa krus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:23 mira: Maaaring itoʼy panlunas sa sakit at hapdi.