Add parallel Print Page Options

Balak Patayin si Jesus(A)

14 Dalawang (B) araw na lamang bago ang Paskuwa at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Patuloy na naghanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano palihim na maipadadakip si Jesus at maipapatay. Sinabi nila, “Huwag sa panahon ng pista at baka magkagulo ang mga tao.”

Read full chapter

Ang Pakana Laban kay Jesus(A)

22 Nalalapit na noon ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskuwa. Naghahanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano nila siya mapapatay, bagaman natatakot sila sa mga tao.

Read full chapter

55 Malapit na noon ang pista ng Paskuwa ng mga Judio, at maraming nagpunta sa Jerusalem mula sa kanayunan bago mag-Paskuwa upang maglinis ng mga sarili ayon sa kautusan.

Read full chapter

Ang Paghuhugas ni Jesus sa mga Paa ng mga Alagad

13 Bago sumapit ang pista ng Paskuwa, alam ni Jesus na dumating na ang kanyang oras upang iwan na ang mundong ito at magpunta sa Ama. Dahil mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, minahal niya sila hanggang sa katapusan.

Read full chapter