Add parallel Print Page Options

10 Kinakailangang ipangaral muna sa lahat ng mga bansa ang ebanghelyo. 11 Kapag kayo ay hulihin at dalhin sa hukuman, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin. Huwag din ninyong pakaisipin kung ano ang inyong sasabihin. Subalit kung ano ang ipagkaloob sa inyo sa sandaling iyon, iyon ang inyong sabihin sapagkat hindi kayo ang magsasalita sa kanila kundi ang Banal na Espiritu.

12 Ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, ibibigay ng ama ang kaniyang anak. At ang mga anak ay maghihi­magsik sa mga magulang at kanila silang ipapapatay.

Read full chapter