Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)

38 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit.[a] At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.[b] 39 Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan. 40 Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:38 espesyal na damit: sa literal, mahabang damit.
  2. 12:38 mga mataong lugar: sa literal, mga palengke.