Add parallel Print Page Options

29 Sumagot si Jesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan ninyo mga taga-Israel! Ang Panginoon na ating Dios ang natatanging Panginoon. 30 Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas!’[a] 31 At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’[b] Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:30 Deu. 6:4-5.
  2. 12:31 Lev. 19:18.