Add parallel Print Page Options

31 Subalit maraming nauna na mahuhuli. Gayundin ang nahuli ay mauuna.

Binanggit Muli ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan

32 Nang sila ay nasa daan paahon sa Jerusalem, nagtaka sila na si Jesus ay nasa unahan na nila. At sa kanilang pagsunod kay Jesus, sila ay natakot. Tinipon niyang muli ang labindalawang alagad at sinimulang sabihin sa kanila ang patungkol sa mga bagay na mangyayari na sa kaniya.

33 Sinabi ni Jesus: Narito, aahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga pinunong-saserdote at sa mga guro ng kautusan. Siya ay kanilang hahatulan ng kamatayan at ibibigay sa mga Gentil.

Read full chapter