Add parallel Print Page Options

31 Ngunit (A) maraming nauuna ang mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna.”

Ikatlong Pagbanggit ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(B)

32 Nauuna sa kanila si Jesus sa daang paakyat sa Jerusalem. Namamangha ang mga alagad at natatakot naman ang mga sumusunod sa kanya. Muli niyang ibinukod ang labindalawa, at sinimulang isalaysay ang nakatakdang mangyayari sa kanya. 33 Sinabi niya, “Ngayon, papunta tayo sa Jerusalem at ipagkakanulo ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y hahatulan nila ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil.

Read full chapter