Add parallel Print Page Options

Walang Lihim na Hindi Mabubunyag(A)

21 Nagpatuloy(B) si Jesus ng pagsasalita. Sinabi niya, “Sinisindihan ba ang ilawan upang itago sa ilalim ng takalan,[a] o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba't kapag nasindihan na ay inilalagay ito sa talagang patungan ng ilaw?

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 4:21 TAKALAN: Ang takalang nabanggit dito ay sinlaki ng sisidlang maaaring maglaman ng dalawang galong tubig.

Ang Talinghaga tungkol sa Ilaw(A)

16 “Walang(B) taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tinatakluban ng banga o kaya'y itinatago sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang magkaroon ng liwanag para sa mga pumapasok sa bahay.

Read full chapter

Ang Ilaw ng Katawan(A)

33 “Walang(B) nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, [o kaya'y ilagay sa ilalim ng banga].[a] Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 11:33 o kaya’y ilagay sa ilalim ng banga: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.