Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabautismo at Pagtukso kay Jesus(A)

Nang mga araw na iyon ay nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan.

10 Pagkaahon niya sa tubig, nakita niyang biglang nabuksan ang kalangitan, at ang Espiritu na bumababa sa kanya na tulad sa isang kalapati.

11 At(B) may isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”

Read full chapter

Ang Pagbautismo at Pagtukso kay Jesus(A)

Dumating noon si Jesus mula sa Nazareth ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa ilog Jordan. 10 Pagkaahon ni Jesus mula sa tubig, bigla niyang nakitang nabuksan ang kalangitan, habang ang Espiritu'y bumababa sa kanya tulad ng isang kalapati. 11 At (B) narinig mula sa kalangitan ang isang tinig, “Ikaw ang minamahal kong Anak, ikaw ang lubos kong kinalulugdan.”

Read full chapter

Binautismuhan si Jesus(A)

21 Nang mabautismuhan ang buong bayan, at nang mabautismuhan din si Jesus at siya'y nananalangin, ang langit ay nabuksan.

22 At(B) bumaba sa kanya ang Espiritu Santo na may anyong katawan na tulad sa isang kalapati. May isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”

Read full chapter

Binautismuhan si Jesus(A)

21 Nang mabautismuhan na ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus. Habang siya ay nananalangin, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. Sinabi ng isang tinig mula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak. Sa iyo ako lubos na nalulugod.”

Read full chapter