Add parallel Print Page Options

Pinagaling ang Isang Ketongin(A)

40 Lumapit sa kanya ang isang ketongin na nakikiusap at nakaluhod na nagsasabi, “Kung gusto mo, maaari mo akong linisin.”

41 Dahil sa awa, iniunat ni Jesus[a] ang kanyang kamay, hinipo ang ketongin at sinabi sa kanya, “Gusto ko, maging malinis ka.”

42 At kaagad na nawala ang kanyang ketong at siya'y naging malinis.

43 Pagkatapos na mahigpit siyang binalaan, kaagad niya itong pinaalis.

44 Sinabi(B) niya sa kanya, “Tiyakin mong wala kang sasabihin kaninuman kundi pumunta ka at magpakita sa pari at maghandog ka para sa pagkalinis sa iyo ayon sa ipinag-utos ni Moises bilang isang patotoo sa kanila.”

45 Ngunit siya'y umalis at nagsimulang magsalita nang malaya tungkol dito at ikinalat ang balita, kaya't hindi na hayagang makapasok si Jesus sa bayan, kundi nanatili siya sa mga ilang na lugar at pinuntahan siya ng mga tao mula sa lahat ng panig.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 1:41 Sa Griyego ay niya .

Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(A)

12 Samantalang siya'y nasa isa sa mga lunsod, may dumating na isang lalaki na punô ng ketong.[a] Nang makita niya si Jesus, lumuhod siya at nakiusap sa kanya, “Panginoon, kung nais mo ay maaari mo akong linisin.”

13 Iniunat niya ang kanyang kamay at siya'y hinawakan at sinabi, “Nais ko, maging malinis ka.” At agad nawala ang kanyang ketong.

14 Ipinagbilin(B) niya sa kanya na huwag sabihin kaninuman. “Humayo ka, magpakita ka sa pari, at maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises dahil ikaw ay naging malinis, bilang patotoo sa kanila.”

15 Subalit lalo niyang ikinalat ang balita tungkol kay Jesus. Nagtipon ang napakaraming tao upang makinig sa kanya at upang mapagaling sa kanilang mga sakit.

16 Subalit umaalis si Jesus patungo sa ilang at nananalangin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 5:12 Ang ketong ay maaaring tumukoy sa ilang uri ng sakit.