Add parallel Print Page Options

Ang Pagtukso kay Jesus(A)

12 Pagkatapos, dinala agad ng Espiritu si Jesus sa ilang. 13 Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at doo'y tinukso siya ni Satanas.[a] Doon ay may mababangis na hayop ngunit si Jesus ay pinaglingkuran ng mga anghel.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 1:13 Nanatili siya…Satanas: o kaya'y Nanatili siya roon nang apatnapung araw habang siya'y tinutukso ni Satanas .

Ang Pagtukso kay Jesus(A)

Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu sa ilang at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa buong panahong iyon, kaya't siya'y nagutom.

Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, iutos mong maging tinapay ang batong ito.”

Ngunit(B) sinagot ito ni Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao [kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos].[a]’”

Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar, at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig. Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin, at maaari kong ibigay kung kanino ko gusto. Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na ang lahat ng ito.”

Sumagot(C) si Jesus, “Nasusulat,

‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin,
    at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka 10 dahil(D) nasusulat,

‘Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin,
    sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’

11 at

‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
    nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’”

12 Subalit(E) sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!’”

13 Pagkatapos tuksuhin si Jesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 4:4 kundi sa bawat…ng Diyos: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.