Mangangaral 3:13
Magandang Balita Biblia
13 Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao'y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran.
Read full chapter
Mangangaral 5:18
Magandang Balita Biblia
18 Ito ang isang mabuting bagay na aking nakita: nararapat lamang na kumain, uminom, at pakinabangan ng isang tao ang bunga ng kanyang pinagpaguran sa mundong ito, sa maikling panahong ibinigay sa kanya ng Diyos; ito ang ating bahagi.
Read full chapter
Mangangaral 9:7
Magandang Balita Biblia
7 Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo.
Read full chapter
Isaias 56:12
Magandang Balita Biblia
12 Ang sabi nila, “Halikayo, at kumuha kayo ng alak,
uminom tayo hanggang mayroon.
Mag-iinuman muli tayo bukas
nang mas marami kaysa ngayon!”
Lucas 12:19
Magandang Balita Biblia
19 Pagkatapos,(A) ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpakasaya!’
Read full chapter
1 Corinto 15:32
Magandang Balita Biblia
32 Kung(A) ang pakikipaglaban ko sa mababangis na kaaway[a] sa Efeso ay para sa tao lamang, ano ang mapapala ko? Kung hindi rin lamang bubuhaying muli ang mga patay, mabuti pa'y sundin na lamang natin ang kasabihang ito, “Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo'y mamamatay.”
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 15:32 kaaway: Sa Griego ay hayop .
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.