Add parallel Print Page Options

“Makinig kayo! Dahil sa inyo, parurusahan ko ang inyong mga lahi. Isasaboy ko sa inyong mukha ang dumi ng mga hayop na inyong inihahandog at itatapon din kayo sa tapunan ng mga dumi. Dapat ninyong malaman na binabalaan ko kayo upang magpatuloy ang aking kasunduan sa inyong ninunong si Levi. Sa aking kasunduan kay Levi, ipinangako ko sa kanya ang buhay[a] at kapayapaan, basta igalang lamang niya ako. At iyan nga ang kanyang ginawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:5 buhay: Maaaring ang ibig sabihin ay mabuti o/at mahabang buhay.