Add parallel Print Page Options

42 Ito ay sa dahilang ang kaniyang tanging anak na babae ay malapit ng mamatay. Siya ay labindalawang taong gulang na.

Nang pumunta siya, nagsiksikan sa kaniya ang maraming tao.

43 Isang babae ang naroon na dinurugo sa loob ng labindalawang taon. Nagugol na niya sa mga manggagamot ang lahat ng kaniyang kabuhayan. Walang sinumang nakapag­pagaling sa kaniya. 44 Ang babae ay pumunta sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit. Ang pagdurugo niya ay dagliang naampat.

Read full chapter