Add parallel Print Page Options

at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at karamdaman. Kabilang dito si Maria na kung tawagin ay Magdalena. Pitong demonyo ang pinalayas mula sa kanya. Kasama rin si Juana na asawa ni Chuza na katiwala ni Herodes, si Susana at iba pang mga babaing nag-abot ng tulong sa kanila mula sa kanilang mga pag-aari.

Ang Talinghaga ng Manghahasik(A)

Nang dumating ang napakaraming tao at lumapit kay Jesus ang mga tao mula sa bawat bayan, nangusap siya sa kanila sa pamamagitan ng isang talinghaga.

Read full chapter