Add parallel Print Page Options

21 Nang oras na iyon ay marami siyang pinagaling sa karamdaman, sa salot at sa masasamang espiritu. Marami ring bulag na binigyan niya ng paningin. 22 Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Humayo kayo at ibalita ninyo kay Juan ang inyong mga nakita at narinig: Nakakakitang muli ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ibinabahagi sa mahihirap ang mabuting balita. 23 Pinagpapala ang taong hindi mag-aalinlangan sa akin.”

Read full chapter