Add parallel Print Page Options

19 Sinikap ng lahat ng tao roon na mahipo siya, dahil may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nakapagpapagaling sa lahat.

Ang Mapalad at ang Nakakaawa(A)

20 Tiningnan ni Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi sa kanila,

    “Mapalad kayong mga mahihirap,
    dahil kabilang kayo sa kaharian ng Dios.
21 Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,
    dahil bubusugin kayo.
    Mapalad kayong mga umiiyak ngayon,
    dahil tatawa kayo.

Read full chapter