Add parallel Print Page Options

40 Nang papalubog na ang araw, dinala nila kay Jesus ang mga taong may iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. 41 Lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila. Ang mga demonyo ay sumisigaw at nagsasabi: Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos! Sila ay sinaway niya at hindi pinagsalita dahil alam nila na siya ang Mesiyas.

42 Kinaumagahan, siya ay umalis at pumunta sa ilang na dako. Hinanap siya ng mga tao at lumapit sila sa kaniya. Nang sila ay makalapit sa kaniya, pinigilan nila siyang umalis.

Read full chapter